Saturday, February 28, 2009
Circle of Friends (of friends of friends of friends...)
As you can see on the right-hand side of the screen are links to some of my friends' blog sites. I've yet to inform them that I have a new home. Bahala na silang makaalam. Ekek.
FAQs sa blog na ito
1. Ano ang "kwentuhang keber"?
Ano pa, eh di... keber. Keber keber lang. Pa-keber keber dito, keber doon. Pwedeng seryoso, pwedeng walang kwenta, pwedeng mahaba, pwedeng maikli. Keber, diba? Basta magkukuwentuhan tayo.
2. Bakit ang titulong "kwentuhang keber"?
Sabihin nating instincts lang. Nung sinasagutan ko yung mga forms para masimulan ito, tinanong kung ano'ng gusto kong title para sa blog ko. Wala akong maisip agad, ito yung lumabas. Keberrrr.
3. Sino ka, awtor?
Ako si Dyosa. Pwede nyo rin akong tawaging Goddess, wag lang god-less. Puhlease. Dyo, for short. Nagsimula na ako ng blog dati dahil kailangan ko ng outlet sa stress sa trabaho. Ngayon ko lang naisip na hindi magandang panimula iyon para sa blog, negative masyado yung dahilan. Yun, hindi ko rin napag-patuloy. Pero ngayon, gusto kong magsimula ulit, bagong environment, bagong approach at bagong goals. Una sa lahat, para ilaganap ang kagandahan ko sa balat ng intarwebs (teka, yun din ata goal ko sa nauna kong blog). Anyway, isa ko pang goal ay para maibahagi ang mga natututunan ko sa buhay, mapa-kalohokan man o seryoso, sanayin ang sarili sa pagsusulat dahil gustong gusto kong magsulat (kulang lang talaga sa practice), at hindi ko na itatago ang katauhan ko (hirap kasi, baka ma-discover ako at sumikat).
Kaya, ito na ang simula. Humanda sila, ho-ho-ho-ho-ho!

Subscribe to:
Posts (Atom)