Di ko kailangang gumising ngayong umaga, dahil mulat na ko kagabi pa. Lintik na hika ito, hindi ako pinatulog. Kaya 7AM palang, tumutungga na ko ng kape at humihigop ng Lucky Me Bulalo flavored mami. Di pa nakuntento, binuksan ko muna yung TV.
Fact: Don't you know that female caribous found in North America travel at least 700 kilometers during their pregnancy and smack right in the middle of winter just to get to their feeding grounds where they will also give birth to their youngs?
Buti nalang di ako caribou.
And that their migration (both cows and bulls) during the summer season wholly depends on the direction of the wind.
Thanks, Discovery Channel. But no thanks din, hinihika parin ako. Sinubukan kong magdilig ng mga halaman ni Ermats (baka siya naman ang atakihin sa gulat kung malaman niya). It's calming, at first. Pero di parin naalis hika ko, though it was distracting to say the least.
Kaya nagdesisyon akong magbukas ng computer at magsulat sa blog. Aba! Akalain mo ba namang humupa ng kaunti at nakakahinga narin ako ng malalim. Blag lang pala katapat. Ayus. Kaya dito ko muna tatapusin ito. Nood pa ko ng Discovery.
Pero napaisip rin ako... isa ba itong kahindik-hindik na senyales sa mga maaaring mangyari ngayong buwan ng Marso? Sa susunod na kabanata...
No comments:
Post a Comment