Wednesday, March 4, 2009

Hating Gabi

Ang tagal narin akong nakatitig sa computer screen, di ko na namalayan ang oras. Kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas ng bahay at magpahangin. Buti nalang malamig yung hangin, di gaanong mainit ngayon, pero shet. Tahimik. Wala nang katao-tao sa kalye, yung aso lang ng kapit-bahay ang nakita kong tanging buhay sa paligid. Owell, lakad muna.

Huy! Ano yun? Ah, wala lang pala. Gumalaw lang yung halaman dahil sa hangin. Lakad, lakad...

Shet. May nakatayo dun sa gate... ay hindi, nakatabing lang na kariton. Lakad, lakad...

Holy--may nakatayo dun... lintek, labada pala. May tao ba sa likod ko? Wala. Hokay. Lakad, lakad...

Bakit ang raming halamanan sa street namin? Ngayon ko lang napansin ah...

Dulo na ko ng kalye, tanaw ang Commonwealth. Rami pa sasakyan naririnig ko yung makina nila umaarangkada...

Holy effing word. Bakit namatay yung lightpost? Oh no it's dark mommy. Hokay time to gow...

Tokwa. Kala ko makakapag-relax ako sa break ko, napraning lang ako dahil sa gabi. Pagbalik ko nakasalubong ko yung mga borders ng kapitbahay. I'm not alone anymore yesh. Pero miss ko ito, kahit maliwanag na yung ilaw ng poste, kahit papaano nakikita ko parin yung mga stars. Tagal ko naring di nagagawang tumigil lang at tumingala, at pahintuin ang oras kahit isang saglit lang. Wow, backtrack to college days. Nung high school wala akong pakialam, paano lagi akong nakalutang. Nung college ko lang na-appreciate ang universe. Deep. Daw. Right.

Tama na ang pagkukunwari, balik trabaho ulit.

2 comments:

  1. praning ka nga. haha.

    ReplyDelete
  2. yan ang nagagawa ng walang tulog. kahit sa loob ng bahay rami kong naaaninag sa peripheral ko. woot!

    ReplyDelete